Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Vanuatu nitong Biyernes, Marso 3, ayon sa US Geological Survey.

Sa ulat ng Agence France Presse, nangyari ang lindol sa isla ng Espiritu Santo, Vanuatu, at may lalim na 10 kilometro.

Ilang sandali lamang matapos ang malakas na lindol, isang magnitude 5.4 na aftershock din umano ang yumanig sa naturang isla.

Siniguro naman ng Pacific Tsunami Warning Centre na walang anumang “tsunami threat” mula sa naturang pagyanig.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Kinumpirma rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang panganib na tsunami sa Pilipinas ng nangyaring lindol sa Vanuatu.

Samantala, bagama’t wala pa umanong naitatalang nasawi sa naturang lindol, isinailalim pa rin ang Vanuatu sa state of emergency dahil sa bagyong nanalanta rin sa nasabing bansa.

Ayon sa World Risk Report, isa ang Vanuatu, na matatagpuan sa Pacific “Ring of Fire, sa mga bansang madalas salantahin ng mga kalamidad tulad ng lindol, bagyo at tsunami.