Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Air Force (PAF) sa nawawalang medical evacuation helicopter na may tail number na N45VX sa Balabac, Palawan nitong Marso 1.

Sa pahayag ng PAF, hindi sila titigil hangga't hindi nila nahahanap anghelicopter na "Yellow Bee" na pag-aari ng PhilippineAdventist Missionary Aviation Services (PAMAS).

"The Sokol (rescue helicopter) aircrew are working closely with the Philippine Navy's FF-150(BRP Jose Rizal) operating within Balabac vicinity, to check any sightings of the missing aircraft," sabi ni PAF spokespersonMa. Consuelo Castillo.

Nitong Huwebes, natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unan ng pasyenteng sakay ng helicopter sa karagatang sakop ng Balabac kung saan huling nawalan ng kontak sa piloto nito bago sila maiulat na nawawala nitong Miyerkules ng umaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dahil dito, sinabi ng PCG na posible umanong bumagsak ang helicopter sa nasabing karagatan kaya pinaigting pa nila ang operasyon.

Nauna nang sinundo ng helicopter ang isang pasyenteng naninikip ang dibdib sa Barangay Mangsee sa Balabac dakong 7:30 ng umaga at dadalhin sana saSouthern Palawan Provincial Hospital sa Brooke's Point, Palawan nang maganap ang insidente.

Bukod sa tatlo, naiulat na sakay din ng helicopter ang isang piloto.