Nangako ang Public Attorney's Office (PAO) na bibigyan ng legal assistance ang pamilya ng isang marine engineering student sa University of Cebu na namatay umano sa hazing nitong Disyembre 2022.

Sa pulong balitaan nitong Huwebes, nilinaw ni PAO head Persida Acosta, nagtungo sa kanyang opisina si Leny Baguio upang humingi ng legal aid upang maisulong ang kaso ng kanyang anak na si Ronnel, 20, miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.

“May na-draft na po na complaint-affidavit sa nanay ng biktima. Inaantay pa na ma-authenticate ng cybercrime lab ang messages mula sa phone ng anak upang mai-attach sa complaint,” aniya.

Sinabi ni Acosta, kinukunan pa nila ng statement ang iba pang miyembro ng fraternity na kasama ni Ronnel nang maganap ang insidente.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bukod dito, kukunan din nila ng pahayag ang dormmate ni Ronnel nanagdala umano sa kanya sa ospital bago ito bawian ng buhay.

Matatandaang isinugod sa ospital si Ronnel noong Disyembre 18, 2022 at namatay kinabukasan matapos umanong sumailalim sa initiation rites.

Philippine News Agency