Isiniwalat ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na maaaring mawala sa “Eat Bulaga” ang mga OG host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon dahil may ‘internal problem’ umano ang longest noontime show.

Sa March 2 episode ng "Cristy Ferminute" sinabi ni Cristy na may isang executive ang Eat Bulaga na gusto umanong tanggalin at magiging dahilan ito ng pag-alis ng mga host.

“Mayroon pong internal na problema na nagaganap sa programang ito. Hindi po kami magbabanggit ng mga pangalan pero meron po talaga at hindi naman kasi isang tao lang po ang nagpapatakbo o nagmamando ng Eat Bulaga. Ito po ay isang korporasyon, marami po sila dito sa Tape Incorporated. Maraming namuhunan, maraming magkasosyo,” chika ni Cristy.

“Pero ang balita, merong isa na mahal na mahal natin, isang ehekutibo na gustong tanggalin, sipain, sa pamamahala ng programa eh pinakamahal pa naman siya ng lahat,” dagdag pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Saad naman ng ka-tandem niyang si Romel Chika, haligi raw ito ng Eat Bulaga.

Bukod dito, nabanggit din ni Cristy na bago pa raw magka-pandemya nagsimula ang umano'y isyu.

"Alam mo merong isang source na ka-kuwentuhan ko kanina na hindi nanununog at hindi nangunguryente, bago pa pala nag-pandemyaisyu na yan eh. Isyu na talaga yan. May gustong tanggalin talaga na nagmamando doon sa kabuuanng programa.

“Yun pong mga host, existing hosts ng programang ito, kapag tinanggal yung pinag-iinitan na ehekutibo at namumuhunan, sasama silang lahat sa tao na yun... Mula Aparri hanggang Julo pinag-uusapan 'to," seypa niya.

Palagay din daw ng showbiz columnist na walang matitirang host at sasama doon sa umano'y pinag-iinitan na producer.

Nang matanong kung sino sa TVJ ang pinag-iinitan, sagot ni Cristy na sila raw ang sasama.

"Sila yung sasama. Ayan ha binibigyan ko na kayo ng mga clue."

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang TVJ at ang pamunuan ng Eat Bulaga hinggil dito.