Inamin ng content creator na si Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander Ford, na pinagsisihan niya ang kaniyang mga maling ginawa bilang si "Xander Ford" matapos maging ganap na ama.

Sa interbyu ng ABS-CBN Push kay Xander, tinanong nila kung ano ang kaniyang biggest regret sa buhay.

Ito naman ang deretsahang sagot ni Xander,

"Noong sumikat ako as a Xander Ford, iyon 'yung gusto kong balikan."

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Dagdag pa ni Xander na sana'y naiwasan niya ang maling nagawa niya noon at sana natuto siyang rumespeto sa kapwa.

"Gusto kong tanggalin lahat ng mga dapat hindi ko ginagawa, immature, at walang respeto, kasi hindi ako marunong magsalita ng "po"at "opo" dati eh, 'yung pagiging pasaway, tapos magastos, dati maluho ako sa sarili. Iyon 'yung mga gusto kong iwasan noon na pinagsisisihan ko," paliwang ni Xander.

Naikuwento rin ni Xander na masaya na siya ngayon dahil mayroon na siyang inaalagan, ito ang kaniyang panganay na si Xeres Isaiah kasama ang ina nitong si Gena Mago.

"Mas mahalaga na po sa akin 'yung ngayon na. Parang wala na po sa'kin ang past, kasi naging maayos na. Kung iintindihin ko pa po 'yung sasabihin ng ibang tao sa akin, paano na lang po 'yung feelings ng family ko. Nag-focus po ako sa parents ko, sa wife ko, sa anak ko kasi kung iisipin ko po 'yung sinasabi ng ibang tao, mawawala ako sa focus eh."

Samantala, gusto ngayon ni Marlou na baguhin ang kaniyang screen name na "Xander Ford" at palitan na ito ng Xander Arizala.