Sumuko sa mga awtoridad sa Cavite ang isa pang suspek sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig dahil sa hazing.

Ang nasabing suspek na sumuko kay Cavite Governor Jonvic Remulla ay 23-anyos at estudyante rin umano sa Adamson.

Isa raw siya sa mga naglibing kay Salilig sa Cavite matapos itong bawian ng buhay sa kanilang initiation rites.

Ang nasabing suspek rin umano ang nagsilbing master initiator nagsagawa ng hazing kay Salilig at iba pang kasama sa naturang initiation.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Una nang naaresto ng mga pulis ang anim na hinihinalang kasama sa mga sangkot sa pagkamatay ni Salilig. Kinumpirma ang identidad ng mga ito ng isang fraternity neophyte na kasama rin sa nangyaring hazing.

BASAHIN: 6 suspek sa Salilig-hazing case, arestado!