Viral sa social media ang larawang ibinahagi ni Jomar Plata, 32, mula sa San Pascual, Batangas, tampok ang isang baka na pagala-gala umano sa isang mall.

“Kaninong baka are, maalam na mag SM 😅😅😅,” caption ng post ni Plata na siyang kinatuwaan naman ng netizens.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Plata na pauwi sila ng kaniyang mag-iina galing sa SM City Batangas noong Pebrero 25 nang mapansin ang pagala-galang baka doon.

“Habang ako po ay nagsasakay ng mga gamit ay bigla ko po nakita ‘yung baka. Nagulat ako at natawa,” ani Plata. “Nakakatawa nga at nakarating ang isang baka sa SM.”

Mga Pagdiriwang

National Coming Out Day, paano nga ba nagsimula?

Bagama’t nakakatawa umano ito, agad daw niyang pinapasok ang kaniyang mag-iina sa sasakyan sa takot na baka makapanuwag ang baka.

Ayon pa kay Plata, sinabi raw ng mga tao sa lugar na noong gabi pa naglilibot ang baka sa paligid na malapit sa SM.

“Buti pa ang baka, nakakagala,” hirit naman ng isang netizen.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!