Nagsasagawa na ng search and rescue operation ang mga awtoridad sa nawawalang medical evacuation helicopter na may sakay na apat, kabilang ang isang pasyente, matapos mag-take off sa Balabac sa Palawan nitong Miyerkules ng umaga.

Sa social media post ng PCG, ipinadala na nila sa karagatang sakop ng Brooke's Point at Balabac ang BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Malabrigo (MRRV-4402) upang tumulong sa paghahanap sa helicopter na "Yellow Bee" na may tail number N45VX.

Sinabi ng PCG, nagresponde lamang sila matapos humingi ng tulong ang Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) kaugnay sa insidente.

Sa paunang report, sakay umano ng helicopter ang isang pasyente, kasama ang dalawang kaanak, at isang piloto.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nag-take off umano ang helicopter saMangsee Island sa Balabac nitong Miyerkules ng umaga matapos sunduin ang isang pasyenteng nahihirapang huminga.

Patungo na ito saSouthern Palawan Provincial Hospital saBrooke's Point nang mawalan ito ng kontak dakong 12:10 ng hapon.