TACLOBAN CITY – Nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon at naaresto ang dalawang big-time drug pusher sa buy-bust operation nitong Martes, Pebrero 28, sa Barangay Hiluctogan, Kananga, Leyte.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Voltaire Adorza Recta, 36, at Ruel Petogo Brase, 42, residente ng Kananga at nakalista bilang high-value individuals (HVI) ng Kananga Municipal Police Station.

Nahuli ang dalawa matapos silang magbenta ng shabu sa isang police poseur-buyer. Nakuha sa kanila ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon, cash, at isang motorsiklo.

Dinala sa Kananga MPS ang mga suspek at ang ebidensiyang hindi droga para sa dokumentasyon at dadalhin sa Special Operation Unit para sa kaukulang pagsasampa ng mga kaso.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipapadala ang ebidensya sa droga sa Ormoc City Forensic Unit (OCFU).

Marie Tonette Marticio