"Mukbangin mo ako Boy Tapang!"

Matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya kamakailan, ginulat ng social media personalities na sina "Boy Tapang" at "Lai Austria" ang kani-kanilang followers at subscribers matapos nilang mag-collab o magsama sa isang mukbang vlog.

Matatandaang pinag-usapan ang "gimik" na relasyon nina Boy Tapang at Fil-Am vlogger na si LJ Satterfield na kalaunan ay nauwi sa "hiwalayan" at inamin nilang pareho na "naggamitan" lamang sila para sa contents nila.

Habang si Lai naman ay kinuyog ng mga tagahanga ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang mag-post ng litrato nila ni Dingdong Dantes habang nasa set ng "Family Feud," at may pilyang caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mapapanood sa YouTube channel ni Lai ang mukbang vlog nila ni Boy Tapang. Nakakaloka ang pa-title dito ni Lai!

"Nag-CONTENTan kami ni Boy Tapang (COMPORT as a Friend)," aniya.

Habang isinusulat ang ulat na ito ay umabot na sa 67,079 views ang naturang vlog, na inupload lamang nitong Pebrero 28.

Mukhang click naman ang tambalan nila batay sa feedback ng netizens sa comment section.