Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ang 15 na persons of interest kaugnay sa pagkamatay ni Adamson University student John Matthew Salilig matapos sumailalim sa initiation rites sa Biñan City, Laguna nitong Pebrero 18.

Sinabi ng Acting Police chief ng Biñan, Laguna na si Lt. Col. Virgilio Jopia, pito sa naturang bilang ang nakibahagi sa Tau Gamma Phi initiation ceremony na ikinasawi ni Salilig.

Nakitaan aniya ng mga pasa sa binti ang biktima matapos matagpuan ang bangkay nito sa bakanteng lote sa Imus, Cavite nitong Martes, Pebrero 28.

Hinihintay pa aniya nila ang resulta ng autopsy sa bangkay ni Salilig.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Humingi aniya ng tulong ang Manila Police District upang maimbestigahan ang kaso matapos i-report sa pulisya ni John Michael na nawawala ang kanyang kapatid nitong Pebrero 20.

Sa salaysay ni John Michael, nagpaalam sa kanya ang kapatid nitong Pebrero 17 upang dumalo sa initiation rites ng fraternity sa Laguna. Gayunman, matapos ang ilang araw ay hindi na ito nakauwi.

Natunton ang bangkay ni Salilig matapos ituro ng mga kasamahan nito sa fraternity.

Posible rin aniyang natakot ang mga miyembro ng fraternity kaya hindi na ito dinala sa ospital at inilibing na lamang.

Isa-isa aniyang nagtungo sa presinto ang mga kasamahan ni Salilig matapos nilang simulan ang imbestigasyon sa kaso.