Para umano sirain ang kaniyang imahe sa publiko, isa na namang larawan na may malisyusong porma ng kaniyang daliri ang pinabulaanan ng online personality na si Yasmin Asistido kamakailan.

Isang Kiko Blas sa Facebook ang umano’y pasimuno ng pagpapakalat ng gawa-gawang larawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Another Fake news again Iho, Kiko Blas. Why are you doing this to me?! To making fake news. Para siraan image ko. Wala naman akong ginawang mali sayo para gawin to sakin. Sobra na kasi eh. Deep inside nakakasakit na din Ng damdamin eh,” ani Yasmin sa isang Facebook post kamakailan.

Damay pa sa edited na larawan ang kaniyang personal bodyguard.

“Hindi Tama Yung ginagawa nyo eh. Pwede naman yung simpleng memes lang, Pero Yung gantong scenario aba ibang usapan na to. Tas dadamay nyo pa yung personal bodyguard ko. Kasi for me Hindi lang Sya Basta personal bodyguard. Turing ko sa kanya bahagi Ng family na. 🥺🥺🥺

Pakiusap na ng online star, itigil na ng mga ito ang paggawa ng mga malisyusong larawan na ikinasasakit na aniya ng sariling damdamin.

“Never akong nag picture ng naka bad finger at alam 'yan ng supporters ko. Naka peace sign po ko d'yan sa original photo na yan.”

Nauna nang nagbabala si Kween Yasmin sa kaniyang fans sa parehong pagpapakalat ng malisyusong larawan kamakailan.

Basahin: ‘Stop editing my finger’: Kween Yasmin, may paalala sa followers matapos mabiktima ng edited pic – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid