Maaring makalabas na sa ospital sa nalalapit na panahon ang gitarita ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee matapos lumaya na sa wakas sa intensive care unit kamakailan bagaman nagpapatuloy pa rin ang laban sa sakit na lymphoma.

Ito ang masayang ibinahagi ng banda sa isang Facebook post kamakailan kasunod din ng nakaraang balita ng unti-unti nang pagrekober ni Gab sa sakit.

Anang banda, masaya aniya si Gab matapos mailipat na sa isang regular room kasabay ng paglaya niya sa mga tubong nakakabit sa kaniyang katawan.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Excited parang bata, nag-gigitara habang papunta sa regular room! Konti nalang at makakalabas na rin siya ng hospital!” dagdag ng PNE sa kanilang update.

Nagpapatuloy naman ang gamutan ng gitarista laban sa cancer gayunpaman.

"May cancer pa rin siya, so tuloy-tuloy pa rin ang laban para makasama na namin siya on the stage soon! Laban pa Gab! Kayang-kaya yan!"

Basahin: Gitarang pirmado ng E-Heads, naisubasta sa halagang P1.3M; Gab Chee kee, patuloy na lumalaban sa sakit – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan ang pagtutulungan ng mga lokal na banda at solo artists para sa ilang benefit shows at kaugnay na mga ganap para sa pinansyal na suporta sa gamutan ni Gab.

Ikinasiya naman ng maraming fans ng PNE ang naturang good news dahilan ng lalo pa pang pagbuhos ng panalangin para sa tuluyang paggaling ni Gab.