Apektado na ng African swine fever (ASF) ang Region 2 o Cagayan Valley, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Dahil dito, sinabi ng ahensya na umabot na sa 12 lalawigan ang tinamaan ng sakit.

Nitong Enero, naiulat ng DA na lumaganap ang ASF sa walong probinsya.

Bukod sa Cagayan Valley, lumaganap na ang sakit sa Region 3 (Central Luzon), Region 5 (Bicol Region), Region 6 (Western Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 9 (Zamboanga Peninsula), at Region 13 (Caraga).

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kabilang sa tinamaan ng sakit ang Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Camarines Sur, Iloilo, Northern Samar, Zamboanga del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Norte.

Nakapagtala rin ng sakit sa Tuguegarao City sa Cagayan; Baler, Casiguran, Dilasag, Dingalan, Dipaculao, Aurora; Angat, Baliuag, Plaridel, San Miguel, at San Ildefonso sa Bulacan; Cabanatuan, Nueva Ecija; Camaligana at Calabanga sa Camarines Sur; Alimodian, Badlangan, Banate, Barotac Nuevo, Barotac Viejo, Batad, Dingle, Dueñas, Estania, Janiuay, Mina, Oton, San Dionisio, at Zarraga sa Iloilo; Allen, Catubig, Pambujan at Silvino Lobos sa Northern Samar; Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte; Burgos, Del Carmen, San Isidro, Santa Monica, at Surigao City sa Surigao del Norte; and Bislig City in Surigao del Sur.

Sa kabila nito, nananatili pa ring mataas ang presyo ng karneng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila kung saan nasa₱270 hanggang₱330 ang kada kilo ng kasim, at naglalaro naman sa₱300 hanggang₱400 ang bawat kilo ng liempo.