Muli na namang nagpakawala ng buwelta si Kapuso comedy star Pokwang tungkol sa isang "inggratong Kano" na ipinagpapalagay ng mga netizen na para sa kaniyang ex-partner na si American actor Lee O'Brian.

Matatandaang nagpasabog ng kaniyang rebelasyon si Pokie sa "Fast Talk with Boy Abunda" patungkol sa kanilang paghihiwalay.

Anyway, na-trigger ang komedyante sa post ng isang netizen kung saan naalala nito ang napanood na episode ng defunct-talk show ni Queen of All Media Kris Aquino na Kris TV" sa ABS-CBN noon.

Nakapanayam kasi rito ang panganay na anak ni Pokwang na si Mae at nagbigay ito ng mensahe para kay Lee.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ipinagkatiwala umano ni Mae ang kaniyang Mama Pokwang kay Lee at wish nito, sana raw ay huwag siyang saktan.

Ibinahagi ito ni Pokwang at sinabing sana raw mag-sorry ang ex sa kaniyang anak, dahil sa pangakong pinako nito.

"Tapos sasabihin nitong inggratong Kano na ito saan s'ya banda dapat mag-sorry sakin?? Dito! Mag-sorry ka sa anak ko dahil tinanggap ka n'ya at niyakap kahit sa loob ng halos 17 years sanay s'ya na walang kaagaw sakin maging masaya lang ako tinanggap ka n'ya!"

https://twitter.com/pokwang27/status/1629899470010982400

Isang netizen ang sumita at nagpayo kay Pokwang na tigilan na ang ex-boyfriend dahil baka may makapansin dito at mabigyan pa ng proyekto dahil sa ingay ng pangalan nito ngayon.

"Ang nagbibigay o magbigay ng project sa Kano na 'yan na wala naman child support eh mga tagasuporta ng inutil na ama! Dapat wag suportahan! Ipangde-date lang nila ng babae n'ya hahahaha," tugon ni Pokwang.

https://twitter.com/pokwang27/status/1629977906901553153

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kampo ni Lee O'Brian sa mga biradang ipinupukol sa kaniya ni Pokwang.