Ibinahagi ng Kapuso comedy star na si Pokwang ang "best revenge" na puwedeng gawin ng mga single mom, lalo na sa mga iniwan ng kanilang mister o partner at ipinagpalit sa ibang babae.

Kalakip ng Instagram post ni Pokwang ang kaniyang video ng pag-eehersisyo sa treadmill.

"The best revenge is to be fit and healthy, not to impress someone or anybody, dapat fit para sa mga anak lalo na kung single mom ka 👍💪🏼 hindi dapat sinisisi ang isang ina kung napabayaan ang katawan kaya naghanap ng iba si mister, siguro kaya napabayaan kasi kakaalaga sating mga anak?"

Pokwang, may tirada sa 'inggratong Kano'; pinagso-sorry sa anak

"Kakaisip paano tayo palalakihin nang maayos? Hindi makapagpasalon kasi kulang sa budget? Kakainin na lang ng mga anak, pang baon sa school pang tuition fee 🙂 kaya wag natin kutyain ang katawan ng isang babae lalo na kung nanay dahil para mo nar in sinisi sarili mong ina na nagpabaya dahil sa pagmamahal sayo 💗🙏🏼❤️ #PeaceEveryone ang ganda ng katawan ay kumukupas at babalik sa alabok pero pagmamahal ng isang anak ay walang kamatayan," aniya pa.

Gumamit si Pokie ng hahstags na #womenempowerment at #Labanlangnanay.

Bukod sa kaniyang pagwo-work out, ibinahagi rin ng komedyante ang kaniyang mga litrato kung saan pak na pak ang kaniyang awrahan.

Muli na namang pinag-usapan ng mga netizen ang kaniyang parinig at pasaring sa isang "inggratong Kano" na ipinagpalagay ng mga netizen ay ang kaniyang ex-partner na si Lee O'Brian.