Bumaba ng 19.49 porsyento ang bilang ng krimen sa bansa ngayong 2023.

Ito ay sa kabila ng sunud-sunod na pag-atake sa mga opisyal ng pamahalaan kamakailan, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr.

Binanggit ni Azurin ang 4,944 index crime rate mula Enero hanggang Pebrero 25 ngayong taon na mas mababa kumpara sa naitalang 6,141 sa kaparehong panahon nitong nakaraang taon. 

"I had been reporting every weekna sabi ko nga pababa angcrime environmentsa ating bansa.It was unfortunate that therehasbeen shooting incidents against our elected local officials wherein the PNP is now working on the double to determine the identities of the suspects and bring them to justice," paliwanag ni Azurin nang kapanayamin ng mga mamamahayag sa Camp Crame.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Aniya, isolated cases lamang ang insidente ng pananambang sa mga local official sa bansa kamakailan.

“I would sayna hindi paalarmingkasi dini-determinenga natin dahil iba-iba ‘yung mgasituation,iba-iba ‘yung mgareasonbakit pinatay itong mga ito.it's either political, personal, business rivalry or other reason why these killings are happening,” sabi ni Azurin.

Binanggit nito ang pananambang kayLanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong, Jr. nitong Pebrero 17 at kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda nitong Pebrero 19.

Philippine News Agency