Puntirya ng administrasyong makapagpatayo ng anim na milyong housing unit hanggang 2028.

Ito ang isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang pagbisita sa Cebu City nitong Lunes klung saan pinangunahan nito ang groundbreaking ceremony ng Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project sa Barangay Basak, San Nicolas para sa halos 8,000 na informal settler families (ISFs) at low-wage earners sa lungsod.

Ipinangako rin ng Pangulo na makapagpatayo ng 30,000 housing unit para sa mga residente ng Cebu City.

Sa unang phase ng proyekto, magtatayo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng 10 na 20-storey building sa loob ng 25 na ektaryang lupa ng gobyerno.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

“Sa tulong ng mga masisipag na kawani ng DHSUD, na pinangungunahan ni Secretary Jerry Acuzar, naniniwala akong kayang-kaya natin itong makamit sa ilalim ng aking panunungkulan. Kaya naman hinahamon ko ang DHSUD na manatili kayong matatag upang matupad ang ating pangakong mura at maayos na pabahay para sa mga kababayan nating nangangailangan,” aniya.

Malaking hamon aniya sa DHSUD na makapagpatayo ng isang milyong housing unit kada taon sa loob ng anim na taon niyang panunungkulan.

Layunin ding magtayo ng pamahalaan ng anim na milyong pabahay hanggang matapos ang termino ni Marcos sa 2028.