Hindi pa rin mahanap ng mga awtoridad ang six-seater na Cessna plane matapos mawala sa Isabela nitong Enero, ayon sa pahayag ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) nitong Pebrero 27.

Nitong Lunes, ipinaliwanag ni PDRRMO head Constante Foronda, Jr., itinigil muna nila ang search and rescue operation dahil na rin sa pag-ulan sa kagubatan ng Divilacan sa Isabela.

Bukod aniya sa 452 ground search personnel, tumutulong din ang 13 tracker dogs upang mapadali ang paghahanap sa eroplano.

Ayon sa PDRRMO, umabot na sa 35 araw matapos mai-report na nawawala ang naturang eroplano makaraang mag-takeoff sa Cauayan Airport patungong Maconacon nitong Enero 24 dakong 2:15 ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bago mawala, nakausap pa ng piloto ang air traffic controllers dakong 2:19 ng hapon sa bahagi ng Naguilian.

Sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa sakay ng eroplano ang pilotong si Capt. Eleazar Mark Joven (piloto), at limang pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Seguerra, Xam Seguerra, at Josefa Perla España.