Bumida si Phoenix rookie Encho Serrano sa pagkapanalo ng kanyang koponan laban sa Converge, 106-103, sa pagpapatuloy ng PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.
Ipinamalas ni Serrano ang solidong performance sa nahakot na 28 points upang dalhin sa 3-5 record ang koponan.
Bago naiuwi ng Phoenix ang tagumpay, nagpakawala muna ng mahalagang basket si Serrano, 18.7 segundo na lamang ang natitira upang itabla sa 103 ang laban.
Nagtangka pang magpakalawa ng tres si Converge import Jamaal Franklin ngunit, sumablay.
Matapos dagdagan ng tatlong puntos ang bentahe ng Fuel Masters, nakuha muli ni Franklin ang bola at tumira sa three-point area na magdadala sana sa kanila sa overtime.
Gayunman, nagmintis ito hanggang sa tuluyan nang maubos ang oras.
Bukod kay Serrano, nag-ambag 19 points si Phoenix import Du’Vaughn Maxwell, dagdag pa ang 15 rebounds.
Sa kabila ng pagkatalo, hawak pa rin ng Converge ang 6-3 record.