TALISAY, Batangas -- Isang hindi pa nakikilalang lalaki na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa isang sapa sa kahabaan ng Talisay-Tagaytay Road sa Barangay Leynes sa bayang ito noong Sabado ng tanghali, Pebrero 25.

Sinabi sa ulat na ang biktima ay nakasuot ng puting Louis Tourist t-shirt, itim na shorts, asul na brief, at puting sapatos.

Nakaposas sa likod ang braso ng biktima habang hawak ang susi ng posas ay, may mga tama ng bala sa ulo, at baba.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-12 ng tanghali ay nakita ni Geomar Amigo na nakabulagta ang biktima nang ito ay magtungo sa nasabing lugar upang usisain ang alagang baka at agad na ini-report sa mga opisyal ng barangay at ipinaalam sa Talisay Police.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kasabay ng pagsasagawa ng imbestigasyon para sa posibleng pagkakakilanlan ng biktima at nakipag-ugnayan na rin sa iba pang mga istasyon ng pulisya.