Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong mangingisda matapos masiraan ng makina sa laot sa Olutanga, Zamboanga Sibugay nitong Sabado.

Sinabi ng PCG, kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan nito sa karagatang sakop ng Olutanga makaraang matanggap ang impormasyon kaugnay sa insidente.

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng walong mangingisda na nagsabing sinalubong sila ng malalaking alon kaya nasira ang makina ng kanilang bangka.

Hinila na rin ng PCG ang bangka ng mga mangingisda patungong Sangali Port sa Zamboanga City.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinuri muna ng PCG ang kalusugan ng walong mangingisda bago sila ihatid sa kanilang pamilya.