TIAONG, Quezon --Tinutugis ngayon ng pulisya ang 33-anyos na lalaki na pumatay sa isang babae sa pamamagitan ng pagpalo ng bakal na tubo sa ulo nito, Sabado ng tanghali, Pebrero 25 sa Sitio Hilirang Buli, Barangay Lagalag sa bayang ito.

Nagtatago ngayon si Michael Atienza matapos nitong mapatay ang biktimang si Joana Palivino, at kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon at panayam ng pulis sa kapitbahay ng biktima, alas-9 ng umaga, narinig nilang nagkakaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi pa batid na mga isyu.

Kinuha ng biktima ng isang metrong haba na tubo na nakasabit sa dingding, ngunit naagapang maagaw ito ng suspek at pinalo ng maraming beses sa ulo at katawan ng biktima. Namatay on the spot ang biktima, ayon sa ulat ng Mauban police.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Tumakas ang suspek matapos ang mga krimen sa hindi malamang direksyon, habang nagsasagawa pa ng pagsubaybay at pagsisiyasat ang mga pulis.

Inihahanda na ang reklamong kriminal para sa paglabag sa Article 249 laban sa suspek para ihain sa tanggapan ng Provincial Prosecutor’s Office.