Sumailalim sa procedure ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez para tulungan siyang maka-recover mula sa injury sa tuhod. Ito ay inanunsyo ng Creamline Cool Smashers.

Inilabas ng Creamline Cool Smashers ang update upang hindi umano mag-alala ang mga tagasuporta nito sa kaniya.

Hiniling din ng koponan na ipagdasal si Valdez upang mas mapabilis ang pagpapagaling nito.

"Alyssa underwent a procedure recently that will help her recover faster and comeback stronger," pahayag ng Creamline Cool Smashers.

National

Castro sa pag-acquit kina Enrile sa plunder: ‘Sino mananagot sa nawalang pondo ng bayan?’

https://twitter.com/CoolSmashers/status/1629383192397463552?s=20

“We will ensure that she continues to receive the best possible care and treatment. We want to thank everyone for the prayers and concerns. She will be back soon enough.”

Hindi naman nabanggit ng koponan kung kailan babalik ang volleyball superstar.

Matatandaan na Disyembre nakaraang taon nang ma-injure si Valdez.