Naging mailap pa rin ang mahigit sa P76.3 milyong jackpot prize ng UltraLotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos na hindi pa rin mapagwagian sa lotto draw nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 24, 2023.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na walang nakahula sa six-digit winning combination ng UltraLotto 6/58 na 08-02-45-28-47-19 kaya’t wala ring nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na P76,321,637.80.

Mayroon namang 12 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-P120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Samantala, wala ring nakapag-uwi ng P8,910,000 jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola rin nitong Biyernes ng gabi na may six-digit winning combination na 45-08-10-36-22-38 habang 18 bettors naman ang nagwagi ng tig-P32,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ayon sa PCSO, asahan nang tataas pa ang mga papremyo ng naturang lotto games sa susunod na bola ng mga ito.

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang MegaLotto 6/45 ay may draw tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.