Takot ang hatid sa netizens matapos i-upload ni Jeanrose Cabanilla ang nakakakilabot na video, tungkol sa babaeng sinapian ng lalaking umano'y kinidnap noong 1970.

Sa panayam ng Balita kay Jeanrose, ikinuwento niya na anim na araw ng labas-pasok ang kaluluwa ng lalaki, sa katawan ng dalagitang si Diane.

Dagdag pa niya, may kahilingan umano ang kaluluwa na nais niyang matupad.

"Matagal na po yung pangyayari, kasi sabi ng kaluluwang sumapi, kinidnap umano siya at inilibing ng buhay, noong 1970. Hindi matahimik ang kaluluwa niya, kaya anim na araw na po siyang nasa katawan ng babae,'' pagbabahagi ni Jeanrose.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"May hinihiling po yung kaluluwa at ang hiling po ay ipagdasal po siya. Gusto rin po niyang ipaalam sa mga magulang niya na siya ay patay na."

Ang bangkay umano ng lalaking sumapi ay nasa ilalim ng bahay kung saan nakatira si Diane.

Ayon kay Jeanrose, balik sa normal na umano si Diane at natupad din nito ang kahilingan ng kaluluwa, na dapat patuloy niyang ipagdasal ang kaluluwa ng lalaki upang matahimik ito.

Samantala, wala pang kumpirmasyon kung totoo bang may bangkay sa ilalim ng bahay na tinitirhan ni Diane.