Tatlong pasahero at limang tripulante ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos magka-aberya ang sinasakyang bangka sa Magsaysay, Palawan kamakailan.

Sa report ng Philippine Coast Guard na naka-base sa Agutaya, Palawan, kaagad silang nagsagawa ng search and rescue operation sa karagatang sakop ng Sitio Paya, Barangay Alcoba, matapos humingi ng tulong ang isang concerned citizen hinggil sa insidente.

Namataan ng rescue team ang nasabing bangkang de-motor na papalubog na kaya agad na iniligtas ang walong sakay nito.

Sa pahayag ng limang tripulante, papunta sana sila sa Guinlabog Island nang hampasin ng malalaking alon ang bangka.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar