Sumuko na sa mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa isang New Zealand tourist sa Makati City kamakailan.

Kasama ang kanyang mga kaanak, nagtungo ang suspek na si John Mar Manalo sa Pasig City Police dakong ala-1:15 ng madaling araw nitong Biyernes upang sumurender.

Matatandaang si Manalo ay itinuro ng ilang testigo na siyang bumaril sa biktimang si Nicholas Peter Stacey, 34, sa isang robbery attempt.

Si Stacey ay nagtungo lamang sa Pilipinas upang dalawin ang kanyang Pinay.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Gayunman, nakita umano ng dayuhan na tinatangkang biktimahin ang kanyang nobya ng motorcycle-riding robbers, kaya't ipinagtanggol ito, ngunit binaril at napatay ng mga suspek.

Naganap ang krimen sa Filmore St. sa Barangay Palanan, Makati City noong Linggo. Kaagad namang sumuko si Manalo matapos na isapubliko ng pulisya ang kanyang pagkakakilanlan.

Napaulat na may nakabinbin rin siyang warrant of arrest na may kinalaman sa hiwalay na kaso ng panghoholdap sa Bulacan. 

Gayunman, mariin niyang itinanggi na may kinalaman sa kaso ng pagpatay sa dayuhan. 

Sumuko lamang umano siya upang linisin ang kanyang pangalan at sa pangamba na rin para sa kanyang kaligtasan.