Chika ng mga netizens sa social media na nag-unfollowan ang magkasintahang sina Skusta Clee at partner niyang si Ava Mendez sa Instagram kung kaya't sey ng ilang netizens na hiwalay na raw ang dalawa.

Mapapansin sa kanilang Instagram accounts na hindi makikita ang pangalan ni Ava sa mga fina-follow ni Skusta, at ganoon din sa account ni Ava.

Hindi na rin umano makita ang ilang larawan ng dalawa sa kani-kanilang account na isang pahiwatig umano na kasalukuyan silang nagkakaroon ng problema sa relasyon.

Dagdag pa rito ay napansin din ng netizens na hindi umano itinanggal ni Skusta ang kaniyang larawan kasama ang pamilya ng kaniyang dating partner na si Zeinab Harake.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Matatandaang nag viral ang magkasintahan nitong nakaraang buwan dahil sa kumakalat na umano’y engagement nila ng rapper.

BASAHIN: ‘Kasalan na ba?’ Ava Mendez, may sey na sa engagement rumor nila ni Skusta Clee