Matatandaang pinabulaanan ng nagpakilalang kapatid ni Neil Salvacion, dating kasintahan ni Rabiya Mateo, ang mga hanash nga ng Kapuso host sa “Fast Talk with Boy Abunda” partikular na ang pagtanggi niya umano sa isang wedding proposal noon.

“I was 23 years old then. While Neil was ready to settle down, I wanted to aspire more. Alangan namang iwanan ko ang pamilya ko. Doo nag-ugat ang conflict namin aside from the fact na ako nga ang breadwinner sa family,” sey ng ni Rabiya sa panayam kay Tito Boy nang balikan nito ang naging kontrobersyal na hiwalayan ng dalawa matapos ang Miss Universe competition, bagay na inalmahan naman ng isang “Nhel Skie” sa Facebook, kapatid ni Niel.

Basahin: Utol ni Neil Salvacion, pinasinungalingan rebelasyon ni Rabiya Mateo? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“You never rejected my brother’s proposal. In fact, you accepted it and wore the ring before your pageant started internationally. Something happened along the way and you opted to commit a sin during the pageant and you have to own up to that,” tila makahulugang pagbulaga ng post ng netizen na layong baliktarin ang mga pahayag ni Rabiya.

“You’re lucky na mas gustong manahimik ng kapatid ko kesa patulan ang mga scripted na sagot mo,” dagdag nito.

Nitong Huwebes, Peb. 23, sa pareho pa ring programa ni Tito Boy, sinubukan muli nitong kunin ang panig ni Rabiya sa naeskandalo nang post.

Gayunpaman, hindi na nag-react pa ang Kapuso host sa isyu. Tila ayaw nang palakihin pa ito ni Rabiya dahilan ng kaniya na lang pananahimik sa ngayon.

“We reached out to Rabiya kung meron siyang sagot, meron siyang komento. She decided not to answer so that’s end of story,” sey ni Tito Boy.

Umabot na sa mahigit 24,000 reactions at halos 8,000 shares ang naturang viral post ni Nhel, sa pag-uulat.