Marami ang nagtaka at nagulantang, lalo na ang masugid na fans, kasunod ng walang kaabug-abog na paglaho ng content ni Liza Soberano sa kaniyang Instagram account at YouTube channel kamakailan dahilan ng pag-usbong ng kaliwa’t kanang espekulasyon sa sitwasyon ng aktres.

Kabilang nga sa naintriga at nadawit dito ang dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz na nabomba nga ng mga katanungan mula sa curious na fans.

Bagaman hindi na hawak ang talent at aminadong nagtaka rin siya mismo, isang kumpirmasyon ang ibinahagi ng talent manager nitong Huwebes, Peb. 23.

“Ang nakarating sa’tin hindi naman talaga na-hack ang YouTube at IG ni Liza Soberano,” ani Ogie sa kaniyang ">showbiz update na aniya’y nilinis at hinide lang umano ang dating mga content ng aktres online.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Eh ano nga ba ang rason? Hirit na tanong naman ni Mama Loi.

“’Yun ang hindi natin alam pero yun ang malinaw, walang nag-hack ng YouTube at IG, kusa ‘yun ginawa. Hindi ko naman alam kung ano naman ang personal na rason ni Liza pero sa nababasa ko…parang bagong simula yata na magaganap,” segunda ni Ogie.

“Siguro ibang Liza Soberano na ang makikita na ipino-post niya. Ibang Liza Soberano na ang mapapanuod natin sa YouTube,” konklusyon ng talent manager.

Nakikita namang isang paraan ng rebranding ang naging move ni Liza, sey pa ni Ogie.

“Siguro tama ka Jegz, rebranding ang ginagawa. Siguro under new management siya siguro bilang nasusunod na si Liza kasi ‘yung Careless kasi kung ano ang gusto ng talent an gang susundin ng management, ganun na sila. Siguro ayun ang gusto ni Liza,” saad ng talent manager.

“Kung ano man ang bold decision ni Liza, ’yun ang ating aabangan,” dagdag niya.

Sa hiwalay na ulat naman sa segment na ">“True Talk” ni Boy Abunda sa kaniyang programa sa GMA Network nitong Huwebes din, Peb. 23, parehong kumpirmasyon ang ibinahagi rin ng host at kapwa talent manager.

“I will confirm, hindi po na-hack ang social media account ni Liza. Let me speak as a manager, not as a host. I would guess that Liza is taking on ibang direction po. I don’t wanna say reinvention, that has to be discussed,” anang host.

“Parang bagong direksyon sa kaniyang karera. And what is the best way to communicate your new direction to your public than your social media platform? So tinanggal ito lahat at babaguhin ang mukha ng kaniyang social media. So this is a rebrand if I have to call it,” aniya.