Hindi nagkakasundo ang parehong talent managers na sina Ogie Diaz at Boy Abunda sa intensyon ng pinag-usapang pagkawala ng mga content ni Liza Soberano sa parehong Instagram at YouTube para sa umano'y “rebranding” ng aktres.

Habang kumpirmado ngang intensyonal at hindi na-hack ang magkahiwalay na social media account ni Liza, tila nagrarambol naman ang pagtasa ng dalawang talent managers.

Basahin: Paglaho ng contents ni Liza Soberano sa IG, YouTube, ‘di dahil sa hacker – Ogie Diaz, Boy Abunda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Para kay Ogie kasi, hindi na dapat pang binura ang mga dating post ni Liza habang pinuri naman ni Tito Boy ang matapang umanong career move ng aktres.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Sa totoo lang ha, baka tama rin sila, pero sa akin lang, feeling ko dapat hindi na niya tinanggal ‘yun. Feeling ko dapat hindi na niya tinanggal din sa YouTube kasi memories kasi 'yun eh. History mo ‘yun. ‘Yun ang dati mong mukha, 'yun ang dating ikaw.,” pagpupunto ng dating manager ni Liza sa kaniyang ">showbiz update"> nitong Huwebes, Peb. 23.

“Ngayon, kung ito na ang totoong ikaw, edi that’s another chapter in your life, in your career. Ako kasi kaya naman siya naging Liza Soberano kasi hindi naman dahil din sa amin ng Star Magic. Kasi kami tulay lang, ang dumadaan siya,” dagdag ni Ogie sa dating talent.

“Nais kung purihin kung sino man ang may kagagawan nito [rebranding] because it is brave, and it is exciting who happens to be one of most beautiful girls in the world and I know her personally and she’s smart. Parang si Ken, Enrique Gil. Both are good-looking and very smart people,” sey naman ni Tito Boy sa isang episode ng ">"Fast Talk with Boy Abunda," nitong Huwebes din, kaugnay sa online pakulo ni Liza.