Malaki ang tiwala ni Miss Universe Philippines (MUPH) 2022 Celeste Cortesi na ang kaniyang kaibigan at kapwa beauty queen na si Michelle Dee ang magiging successor nito at magre-representa ng Pilipinas sa susunod na edisyon ng Miss Universe.

Si Dee, na Miss World Philippines 2019, ay hinirang na Miss Universe Philippines Tourism 2022 matapos maiuwi ni Cortesi ang titulong MUPH.

Sa ikalawang pagkakataon, muling sasabak si Dee ngayong taon upang magbakasakaling maging representate ng bansa sa prestihiyosong beauty pageant.

Sa panayam kay Boy Abunda, naniniwala ang Miss Universe Philippines 2022 titleholder na si Dee ang makakakuha ng nangungunang korona ngayong taon.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

"Sobrang masaya ako. I'm very proud of her and I know that this year, makukuha niya talaga. So I will stand behind her," ani Cortesi.

Samantala, naniniwala naman si Dee na ang pageantry ay dapat na ginagamit bilang isang plataporma para sa mga adbokasiya ng mga kababaihan.

Ani Dee, “And for me I’ve always wanted to use it for positivity.”

BASAHIN: #Deepatapos: Michelle Dee, bukas ulit sa pagsali sa beauty pageants?