Vigan, Ilocos Sur -- Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency-Ilocos Sur Provincial Office (PDEA-ISPO) ang Top 2 drug personality sa Brgy. Camanggan, Vigan, Ilocos Sur, nitong Miyerkules, Pebrero 22.

Ayon kay PDEA Region I Director Joel B. Plaza, naaresto ang suspek na si Jake Quirino, 25, sa ikinasang buy-bust operation.

Nakumpiska sa kaniya ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Ang umano'y shabu ay may timbang na hindi bababa sa dalawang gramo at nagkakahalagang P13,600. Kabilang rin sa nakumpiska ay ang isang motorsiklo, aluminum foil strip, at buy-bust money.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article III of RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.