BACOLOD CITY – Arestado ng mga pulis ang isang fish vendor na nakuhanan ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Singcang-Airport dito nitong Martes, Pebrero 21.

Kinilala ang subject na si Hector Deximo, 32, ng Talisay City, Negros Occidental.

Sinabi ni Kapitan Glenn Montaño, pinuno ng Police Station 8, na nagsisilbi umanong courier si Deximo, ngunit tumanggi siyang ibunyag ang taong humihiling sa kanya na maghatid ng ilegal na droga.

Sinabi ni Montaño na ang suspek ay dati nang naaresto dahil sa isang paglabag sa droga at nakalabas sa kulungan noong 2021 matapos pagsilbihan ang kanyang sentensiya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ni Montaño na isinailalim sa surveillance si Deximo sa loob ng dalawang linggo matapos silang makatanggap ng ulat hinggil sa umano'y pagkakasangkot nito muli sa illegal drug trade.

Glazyl Masculino