Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam si Megastar Sharon Cuneta sa YouTube channel ng kaniyang kumpareng si Ogie Diaz na "Ogie Inspires."

Matagal na palang magkaibigan ang dalawa at sa katunayan, inaanak ni Mega sa binyag ang panganay na anak ni Ogie at misis niya.

Isa sa mga natanong ni Ogie kay Shawie ay kung naooffend ba ito kapag binabanggit ang "Sharon" sa mga handaan; na nangangahulugang "magbabalot ng pagkain" para iuwi. Mula kasi ito sa iconic movie niyang "Bituing Walang Ningning."

Ani Mega, hindi naman siya naooffend, bagkus ay tuwang-tuwa pa siya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Tuwang-tuwa ako!" natatawang sey ni Sharon.

Madalas nga raw ay nakikita niya ang mga memes patungkol sa kaniya sa social media. Aniya, nakakatuwa na kahit paano ay naaalala siya ng mga tao kapag may handaan.

"Ang cute naman kasi at least naaalala nila ako 'di ba?" sundot pa ng Megastar.

"Hindi ka ba naooffend sa gano'n?" paniniguro ni Ogie.

"Not at all, not at all," tugon ni Sharon. "Naaaliw ako, tuwang-tuwa ako!"