Binalaan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang mga magsasaka sa Nueva Ecija kaugnay sa inaasahang pagtama ng peste sa kanilang taniman sa susunod na buwan.

Dahil dito, nanawagan si Nueva Ecija provincial agriculturist Bernardo Valdez sa mga magsasaka na protektahan ang kanilang pananim sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga ito.

Paliwanag ni Valdez, tumatama ang peste kada unang tatlong buwan ng taon batay na rin sa kanilang pag-aaral.

Bukod sa Nueva Ecija aniya, madali ring tamaan ng peste ang Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga at Tarlac."Sa kabuuan sa Nueva Ecija, wala pa kaming nakikita na nagkakaroon ng infestation, lalo na sa daga. 'Yun naman ay mahigpit na mino-monitor ng mga extension worker natin sa bawat bayan at siyudad sa ating lalawigan,” aniya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aniya, makikipagpulong sa mga magsasaka ang Regional Crop Protection Center ng ahensya upang talakayin ang mga hakbang para makontrol ang pagtama ng peste sa mga nasabing lugar.

“Sa mga magsasaka natin dito sa Nueva Ecija, kung mayroon po kayong naoobserbahan o mangilan-ngilan na naapektuhan ng pag-atake ng daga o iba pang peste, makipag-ugnayan po kayo sa Municipal Agriculture Office at kami naman dito sa Provincial Agriculture Office ay laging nakasuporta para mabigyan lunas yun mga ganun sitwasyon,” dagdag pa ni Valdez.

Philippine News Agency