Inanyayahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko na dumalo sa idaraos na ‘Mega Job Fair,’ na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ayon kay Lacuna, ang naturang job fair ay isasagawa sa Biyernes, Pebrero 24, 2023 sa Del Pan Sports Complex, sa Binondo, Manila, ganap na alas- 9:00 ng umaga hanggang alas- 5:00 ng hapon.

Layunin aniya nito na bigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga Manilenyo na walang hanapbuhay.

Nabatid mula kay PESO Director Fernan Bermejo na ang job fair ay isinasagawa ng Manila City Government, sa pakikipagtulungan ng main field office ng Department of Labor and Employment - National Capital Region (DOLE-NCR).

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pinaalalahanan naman ng lady mayor ang lahat ng mga aplikante na magsuot ng casual attire at magdala ng sariling itim na ballpen at hanggang 10 kopya ng resume.

Nauna dito, nagsagawa na rin ang PESO office ng“PESO ON THE ROAD, SONA JOB FAIR (Local Recruitment Activity)" noong Pebrero 21, sa unang distrito ng Tondo.