Lalayag agad ang hottest Kapuso pair-up na sina David Licauco at Barbie Forteza para sa isang bagong project na lalo pang magpapakilig sa fans.

Trending muli ngayong Miyerkules ng gabi ang ikatlo sa final episode ng matagumpay na “Maria Clara at Ibarra.”

Top trending topic ang “Fidel,” kahanay ng kaugnay na hashtags kabilang ang “#MCIMabuhayKaRizal,” “Pido,” “Barry Torres, “Klay.” At “#FiLay.”

Tatlong araw bago ang inaabangang finale ng programa, may sunod na project agad ang Kapuso love team ngayon pa lang.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ito ang ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center sa isang social media update ngayong Miyerkules.

“The KILIG continues! 💞” anang Sparkle.

“Pambansang Ginoo David Licauco and Primetime Princess Barbie Forteza are working on a new episode for #DaigKayoNgLolaKo. Abangan mga Kapuso!”

Basahin: ‘FiLay’ muli na namang nagpakilig sa TikTok! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

As usual, agad na bumuhos ang fans para pasalamatan ang GMA Networt sa tila pag-spoil nito sa fans.

“Thankyou GMA dininig nyo kami! 🥰🥰😍😘” komento ng isang fan sa naturang post.

“Damihan pa sana projects nila sobrang bagay silang maging love team tsaka bigyan ng korean adaptation na babagay sa kanilang dalawa!😍😍” hirit na agad ng isa pa.

“More pa po moreeeee moreeee moreeeeeee lets goooooooooooooooo! 💗

“More pa kahit anong angle bagay na bagay sila. Lakas talaga ng chemistry niyo po. My Happy Pill ngayong 2023! 😊😊😊

“Kakakilig! Excited for this!”

Wala pang anunsyo kung kailan naman eere ang naturang episode.