Dahil nga umano sa pagsasaayos ng ilang teknikal na aberya sa network, mapupurnada ng ilang buwan ang morning talk show ni Ruffa Gutierrez sa ALLTV, dahilan para sa napipintong pagbabalik-bakod umano sa ABS-CBN ng “Martyr or Murderer” actress.

Matatandaang huling namataan si Ruffa bilang hurado sa noontime show ng Kapamilya Network na “It’s Showtime” noon pang 2022.

So balik-Kapamilya na nga ang host ngayong walang oportunidad sa ALL TV?

"I'm a freelancer. Anytime! Hi, Tita Cory!"natatawang saad lang ni Ruffa sa ABS-CBN boss nang matanong sa isang panayam ni Kapamilya showbiz reporter Mario Dumaual kamakailan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Basahin: Pansamantalang pagsibak sa ilang programa ng ALLTV, ‘wag isisi kay Toni, sey ni Cristy – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

"I'm in a pause. I just have a contract with AllTV in terms of talk, so I can do a teleserye. As a matter of fact, I'm starting a project with ABS-CBN soon,” hirit ng “freelancer” na si Ruffa na ipinagpapasalamat naman na patuloy na nakatatanggap ng sahod sa kabila ng paghinto ng kaniyang programa sa nabanggit na network.

Samantala, sa pag-arangkada ng “Martyr or Murderer” may mensahe naman si Ruffa sa kaniyang kritiko.

“Wala, hindi na iniintindi 'yun. I'm just grateful na kahit wala akong ginagawa, nagkakaroon ng bashers. 'Yung iba naman, ang dami nang ginagawa, naghuhubad, hindi pa rin pinapansin,” aniya.

"Huwag sila masyadong seryoso," sunod niya pang hirit habang kinilala ang nagbabanggaang “political sides” na “may mga gusto, merong may ayaw.”

“Pero like I said, wala na tayo doon. Basta ako, characterization!" pagtatapos niya.

Sa ngayon, iginiit naman ng aktres na ang kaniyang showbiz career ang kaniyang top priority.