Masaya para sa engaged showbiz couple na sina Sam Milby at Catriona Gray ang Kapamilya actress-host na si Anne Curtis.

Ito’y matapos batiin din ni Anne ang pasabog na engagement announcement ng dalawa kamakailan.

View this post on Instagram

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Congratulations you guys!!! 🤍🤍” komento ni Anne Curtis sa anunsyo ni Catriona sa Instagram noong Huwebes, Pebrero 16.

Matapos ang apat na taon, matatandaan ang pinag-usapan noong paghihiwalayan nina Anne at Sam taong 2008.

Sa kabila nito, muli namang nagtagpo ang dalawa para sa ilang projects at kalauna’y naging magkaibaigan pa rin.

Ikinasaya naman ng ilang netizens ang pagbati ni Anne sa soon-to-wed couple na tila big deal pala sa kanila.

Anila, supportive at secure na nga si Anne dahilan para maging masaya na sa couple.

Si Anne ay happily married naman kay Erwan Heussaff at may isang chikitang na sa katauhan ng cute na cute na si Dahlia.

Basahin: Catriona Gray, pumalag sa post ng isang ‘fake news peddler’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid