Walong turista ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ma-stranded sa Badoc Island sa Ilocos Norte nitong Martes, Pebrero 21.

Bukod sa PCG-Ilocos Norte, tumulong din sa rescue operation ang mga residente at mangingisda ng Barangay La Virgen, Badoc.

Sa paunang imbestigasyin ng PCG, umupa ng dalawang bangkang de-motor ang walong turista upang magtungo sa nasabing isla nitong Linggo (Pebrero 19) para sa magdamag na picnic.

Gayunman, hindi na sila nakabalik kinabukasan dulot na rin ng malalaking alon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaagad namang nagsagawa ng rescue operation ang Coast Guard na naka-base sa lalawigan matapos silang hingan ng tulong ng kapitan ng Brgy. Pagsanahan, Badoc kaugnay sa sitwasyon ng walong turista.

Pagkatapos mailigtas, kaagad na dinala sa rural health unit sa Badoc ang mga turista upang sumailalim sa pagsusuri.