Usap-usapan ngayon ang rebelasyon ng content creators na sina "Boy Tapang" at "LJ Satterfield" hinggil sa kanilang tunay na layunin kung bakit sila lumitaw bilang couple kuno.

Matatandaang marami ang napa-sana all sa vlogger/mukbanger matapos niyang ipakilala sa publiko ang kaniya umanong girlfriend na isang Filipino-American citizen.

Sa kaniyang vlog, ipinakilala ni Boy Tapang ang kaniyang Fil-Am jowa na si LJ Satterfield.

Sinabi ni Boy Tapang na deserve ng kaniyang kasintahan na i-flex sa madlang pipol.

'Siya dream girl ko!' Vlogger na si Boy Tapang, may pa-jowa reveal

"Siya 'yung babae na hindi maarte. Ibang-iba yung personalidad niya-- malambing, sweet. Yung pag-treat niya sa akin napakaiba. Na-fall talaga ako sa kanya. Iba 'yung feelings ko," aniya.

"Sabi ko nga, ito na 'yung babaeng hinahanap ko sa totoong buhay ko," dagdag pa ni Boy Tapang.

May pabiro namang hirit si Boy Tapang:

"Anakan ko na kaya mga KATAPANG para di ako iiwan!?"

Sa kaniyang Facebook account naman ay flinex din ni LJ ang lambingan nila ng nobyo, lalo na sa kaarawan nito.

"Happy b-day Ronnie Suan," aniya kalakip ang video ng kanilang halikan.

Ayon pa kay LJ, sinasabi raw ng ibang tao na masuwerte si Ronnie sa kaniya. Pero para sa kaniya, mas masuwerte siya kay Ronnie.

Napa-sana all naman ang mga netizen at sana raw ay alagaan ni Ronnie si LJ at huwag hayaang mawala ang suot-suot nitong helmet upang hindi "mauntog" sa katotohanan.

Naitampok pa ang dalawa sa award-winning magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho" at dito ay ni-reveal nila kung paano sila nagkakilala.

Subalit makalipas lamang ang halos isang buwan ay tila nag-iba na ang ihip ng hangin sa kanilang dalawa, matapos ang cryptic posts ni Boy Tapang.

Humingi na rin ng paumanhin si Boy Tapang sa kaniyang followers dahil sa ginawa nilang gimik ni LJ. Aniya, hindi niya deserve ang isang 'toxic" na babae.

Screengrab mula sa IG story ni Ronnie Suan/Boy Tapang

Nito ngang Pebrero 19 ay nag-post si LJ na "for tandem" lamang at napag-usapan nila ni Boy Tapang na para lamang sa content ang lahat.

Ibinida pa ni LJ na sa dami ng bashers niya ngayon ay natanggap na niya ang sliver button mula sa YouTube.

Maging si Boy Tapang ay nag-post na rin ng kaniyang paliwanag.