Kaliwa’t kanang papuri ang tinanggap ni Zack Tabudlo mula sa kapwa niya singer-songwriter na si Ogie Alcasid matapos tumungtong sa “ASAP Natin ‘To” stage, Linggo, Pebrero 19.

Kasama ang kaniyang banda, ibinida ni Zack ang kaniyang bagong awitin na "Akin Ka,” at matapos nito, hindi napigilan ni Ogie na magpasalamat kay Zack sa mga kontribusyon umano nito sa OPM industry.

Eleksyon

Chavit Singson, kakandidatong senador sa midterm elections

https://twitter.com/asapofficial/status/1627179733166493697?s=46&t=yoqKZzTImu_44F8rYGT7AA

“I really appreciate all the stuff that you've done for OPM. You really are an amazing singer-songwriter,” aniya.

“I congratulate you for, you know, the vision that you have, and the music that you bring to your audience,” dagdag pa ni Ogie.

Nabanggit din ni Ogie na kinakanta nito ang mga awitin ni Zack kagaya ng hit song na “Binibini.”

Samantala, inilabas na sa lahat ng streaming platforms ang ikalawang album ni Zack na “For All,” kung saan ipinaliwanag niya na nakuha nito ang inspirasyon mula sa '70s music pati na rin ang mga international artists tulad nina Michael Jackson, Harry Styles, at Bruno Mars para sa kaniyang mga bagong kanta.

Noong nakaraang 2021, inilabas ni Zack ang kanyang 14-track debut album na "Episode,” kung saan tinangkilik ito ng marami. Si Zack din ang itinanghal na “Most Streamed OPM Artist” sa streaming platform na Spotify noong nakaraang taon.