Para mapalabas daw na “masama” ang kaniyang imahe sa publiko, isang edited na larawan ang ipinapakalat ngayon laban sa online personality na si Kween Yasmin.

Ito ang kaniyang paalala nga sa isang Facebook post ngayong Lunes, Peb. 20 matapos ngang makarating kay Kween Yasmin ang naturang pekeng larawan.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“Paalala: be aware sa mga nageedit kuno, ng mga photos ko. naka peace sign po ko dyan. Hindi po ko nagpopost ng naka bad finger. Naka -sign po ko dun sa picture na to. So please stop editing my finger,” mababasa sa post ng online personality kalakip ang parehong edited at original na larawan.

Dagdag niya, “At kahit kailanman, Hindi ako nagpoposing Ng naka bad finger. Pls don't do that anymore. And I thank you.”

“Take not it’s not legit,” habang pinasalamatan naman niya ang kaibigang nagsumbong nang maispatan ang malisyusong larawan.

Umabot na sa mahigit 12,000 reactions ang naturang post habang sinusulat ang istoryang ito.

Si Kween Yasmin ay kilala sa kaniyang nakakaaliw na song covers online. Tampok din kamakailan ang online personality sa dinaluhang UP Fair sa Quezon City.