Natagpuan ng pulisya nitong Lunes ng madaling araw ang isang sunog na puting Mitsubishi Adventure na posible umanong ginamit na get-away vehicle ng mga suspek sa pananambang at pagpatay kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda.

Sinabi ng Police Regional Office 2 (PRO2), ang nasabing sasakyan ay natagpuan sa ARC Road, Purok 3, Barangay Uddiawan, Solano, Nueva Vizcaya nitong Lunes dakong 4:00 ng madaling araw.

"Inaalam kung ang natagpuan na sasakyan ay may kinalaman sa mga suspek sa ambush sa Nueva Vizcaya," ayon sa imbestigador.

Walang plaka ang sasakyan nang matagpuan ng mga awtoridad.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa naunang report ng pulisya, tumakas ang mga suspek sakay ng kahalintulad na behikulong may plakangSFN 713, patungong Solano, matapos ambusin ang grupo ni Alameda sa Sitio Kinacao, Baretbet sa Bagabag nitong Linggo mg umaga.

Papunta na sana sa Pasay City ang grupo ni Alameda upang dumalo sa isang kumbensyon nang mangyari ang pananambang.