Sa pagtaya ni GinebraSan Miguel head coach, aabutin pa ng limang linggo ang pahinga ni center Japeth Aguilardahil sa iniindang knee injury.

"Well he could be gone anywhere between… From today, I would say anywhere between three and five weeks. I would say that he might be back late, late in the playoffs," banggit ni Cone nitong Linggo matapos nilang pataubin ang Blackwater.

Nakuha ni Aguilar ang injury sa laban ng Gin Kings at NLEX nitong Pebrero 8.

Nangangahulugan lamang aniya na hindi makalalaro si Aguilar sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sasagupain ng Gilas ang Lebanon sa Pebrero 24 at Jordan sa Pebrero 27, sa Philippine Arena sa Bulacan dakong 6:00 ng gabi.

Bukod kay Aguilar, hindi rin makalalaro sa National team si Kai Sotto matapos hindi makatugon sa gitna ng "alok" sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.