Itinakda na ng Department of Justice (DOJ) sa₱10,0000 ang pinakamataas na piyansa ng mga maralitang nahaharap sa kasong kriminal.
Sa pahayag ng DOJ, ito na ang bagong panuntunan na dapat sundin ng mga piskal na nagrerekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng mga nasasakdal na indigent.
Nakapaloob sa Department Circular 011, obligado ang mga prosecutor na kalahati lamang ng inirerekomendang piyansa ang dapat na bayaran ng mahihirap na nasasakdal alinsunod na rin sa 2018 Bail Bond Guide
"The new rule applies to all cases undergoing inquest or preliminary investigation of indigents if they do not include punishable by death, reclusion perpetua or life imprisonment," ayon sa DOJ.
"With this newest policy, the Department expects the release of many detained individuals on bail," sabi pa ng ahensya.
Philippine News Agency