Dumadaing na rin ang farmers' group naSamahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) dahil sa bumagsak na ang farmgate at retail price ng sibuyas.

Sa pahayag ni SINAG president Rosendo Go nitong Lunes, dapat nang kumilos ang gobyerno upang tumatag ang presyo ng produkto.

"Kung ang magsasaka ay nagbebenta ng ₱45 to ₱50 na puti, tapos 'yung retail nasa PHP140, eh may problema talaga 'yung wholesale tsaka retail," sabi nito.

Tinukoy nito ang farmgate price ng puting sibuyas sa Nueva Ecija at ang pagbaba ng presyo ng pulang sibuyas ₱70 kada kilo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"Yung puting sibuyas pagkabenta naman nila ng wholesale is₱65 lang bawat kilo.a So ibig sabihin ang problema is between nagde-deliver sa palengke tsaka 'yung retailer," aniya.

Kamakailan, naglabas ang Department of Agriculture (DA) ngsuggested retail price (SRP) na₱125 bawat kilong sibuyas kasunod na rin ng pagdagsa ng imported na produkto sa bansa.

Philippine News Agency