Hindi makapaniwala si “He’s Into Her” star at Kapamilya breakout actress Belle Mariano na makapagpapatayo na siya ng sariling bahay na kaniyang pangarap para sa pamilya.

Ito ang iflinex ng 20-anyos na young star sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Peb. 20, kasunod ng groundbreaking ceremony ng ipapatayong dream house noong Sabado, Peb. 18.

View this post on Instagram

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Still pinching myself! Dreams really do come true! 🤍” aniya.

“I share this humbling moment to all of you who walked with me in this journey🙏,” dagdag niya.

Ilang kapwa stars ang agad na binati si Belle para sa bagong milestone ng kaniyang buhay.

“Congrats belinda!😭🙏🏼” komento ni Andrea Brillantes.

“DESERVEEEE😭🤍 PROUD OF U BELLE CONGRATS!!” pagbati rin ni TikTok star Esnyr.

“CONGRATS BELLE!!!🥳🙏🏻” sey ni Xyriel Manabat.

“so proud of youuu 🥹 congrats, dzai!! 🫶🏽” komento tin ni Vivoree.

Bumuhos rin ang proud na mga fans para batiin si Belle.

Umabot na sa mahigit 256,000 likes ang naturang post sa Instagram sa pag-uulat.

Basahin: ‘Celebrating you today’: Mala-jowa POV na pagbati ni Belle Mariano sa b-day ni Donny Pangilinan, kinakiligan! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasama ang onscreen at rumored boyfriend na si Donny Pangilinan o ang “DonBelle,” ang onscreen couple ang sumikat matapos bumida sa seryeng “He’s Into Her” ng Star Cinema.

Noong 2022, bumida rin ang patok na love team sa pelikulang "An Inconvenient Love."